Entry: OMG! OMG! Saturday, September 30, 2006



dalawang araw na ang nakalipas mula nung dumating ang bagyong Milenyo sa buong Metro Manila... at unfortunately isa kami sa mga nasalanta ng bagyong ito... hindi naman gaanong kalaki ang mga naging pinsala ng bagyo sa bahay namin pero may ilan pa ring mga bagay na nasira...

~ pangalawang araw ng wala kaming kuryente... actually sa buong tanza, navotas... anim na poste ng meralco ang bumagsak sa buong subdivision at kahit iba ang linya namin... hindi mabuksan ng meralco ang ibang kuryente hanggang hindi pa naitatayo ang mga bumagsak na poste... kung nagtataka kayo bakit ako may post ngaung araw eto ay dahil nasa opisina ako at nagpapalamig sa aircon at nagpapakasawa sa unlimited na internet!

~ bumagsak din ang puno ng guyabano sa may likod bahay namin... mayaman kasi kami kaya kami ay may likod bahay... hahahaha... joke! anyway... sayang yung punong iyon malapit pa namang mamulaklak na ulit... tapos bumagsak lang... ayun, patay na siya!

~ thank God at hindi tinangay ang mga bubong namin... yung ka-duplex namin na bahay ay wala ng bubungan... pero kami meron pa naman... haay... salamat... nabutas lang ung isang part ng bubong namin namin dahil tinamaan ito ng bubong galing sa kapitbahay namin... anyway naayos na naman...

~ simula nung pagkaraan ng bagyo, hindi na ako makasend sa globe na number ko... I wonder what happened... nasayang ang unlimitxt ko... hmp! meron kang kailangang itext pero hindi mo matext dahil message sending failed... may load naman ako at may signal naman hindi ko lang alam kung bakit ayaw masend... nakakainis...

kailan kaya kami magkakakuryente... e bagal bagal pa naman kumilos ng mga taga- meralco... hhaaayyyy... ang balita ko hindi na nila sinasagot ang mga tawag sa kanilang hotline na 16211... flooded na ata kasi ng mga calls na kailangan ng kanilang mga serbisyo... di ba dapat lang naman na magrespond agad sila dahil part yun ng pagbibigya ng service sa tao... anyway dahil september 30 na iba na naman ang background ko... nahawa na ata ako kina
dons at carlotta... hehehehe ciao!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments