|
blogkuto's
TOP 10 SIGNS OF KOREAN DRAMA ADDICT No. 10 Fashion Statement Kung hindi ka pa naman talagang addict sa korean drama e hindi ka pa magsusuot ng katulad ng picture sa ibaba: ![]() No.9 Bow! Koreans are known for their way of showing respect for others... kaya nga sila nagbabow! Sa kahit anong instances... ngaun kung makita mo ang supervisor mo sa hallway ng office nyo at nag-bow ka... u got it right! korean drama addict ka na! hehehe... ![]() No. 8 Learning korean Ang addict sa korean drama ay nagsusumikap na matuto ng korean... ngaun kung mababasa mo ang korean word na nasa ibaba... addict ka na talaga! ![]() No. 7 Korean Food Syempre hindi mawawala ang food sa usapan... kung lately nahihilig ka na sa kimchi, bulgogi, korean barbeque at kung anu-ano pang korean food... pwes, oras ng magpatingin dahil addict ka na! ![]() No. 6 Theme Songs Kung napapansin mong nahihilig ka sa "Alipin" by Shamrock, "Sabihin Mo Na" by Top Suzara, "Huwag na Huwag mong Sasabihin" by Kitchie Nadal, and others, opo! korean drama addict ka nga! Kasama na din dyan ang ringtone ha! At para sa iyong drama addict eto ang isang theme song na korean, favorite ko yan, ayos ba?: No. 5 Aja! Sino ba naman ang hindi makakalimot sa word na ito... Una itong narinig sa korean dramang "Lovers in Paris"... madalas itong sabihin ni Vivian Kang o Tae-Young Kang sa series na ito... walang ibig sabihin ang word na ito, expression lang, pero ng lumaon, naging "you can do it!" ang ibig sabihin, marami na ding variations ito like Aja Fighting! and Bbasya!... So, kung may problema ka... "Aja!"... No. 4 Pagbigkas Dahil marunong ka ng mag-korean, marunong ka na rin ng pagbigkas ng mga salita nila! Ngaun, kung ang basa mo sa tatak ng T-shirt na "Lee Pipes" e "Ee Pipes"... magpatingin ka na sa doktor! No. 3 Pangalan ng Pets Siguro may sakit na nga ako... kasi may mga pangalan ako ng aking mga pusa at aso na hango sa korean drama... believe it or not, meron akong pusa (i got 20+ cats) at dogs na ang mga naging name ay: julian, jasmin, jillian, tj han (may surname talaga), duk-gu, lulu, vivian, at isang mala-korean na dog name na sooh-til! No.2 Katawagan Ngaun... kung ang tawag mo sa boyfriend mo ay "Kapitan!" at feeling mo ikaw ay si "Lady Sho", malala ka na talaga! Daig mo pa ang nakadrugs ng sampung beses sa isang araw! hehehe... magpa-rehab ka kaya? Try mo lng! No. 1 Picture Eto ang pinakamalala sa lahat at talaga namang spontaneous na, contagious pa! Kapag ang post mo sa mga picture takings e katulad ng nasa ibaba... wala ng gamot dyan... hehehe... (salamat sa mga classmates ko para sa picture na iyan! sana wag kaung magagalit)! 'Til next time! ![]() julie, karen and beth ![]() karen, ian (--,) and julie |
| Leave a Comment: |