Wednesday, September 27, 2006
wow! september 27 na pala... at three days na lang october na... pero bago magtapos ang september habol ko muna ang mga latest addicitons ko na talaga namang di na ako paaawat!
1. una sa lahat... addict na ako sa dvds! bumibili na din ako ng dvds na hindi ko naman ginagawa dati... nagsimula ito ng bumili ako ng it started with a kiss na taiwanese drama... sobra... kahapon lang bumili ulit ako ng dvd! 8 in 1 pa! o di ba for P100 only meron na akong walo, as in eight (8) na movies! tipid! pero nga lang pirated... hahahaha
2. ikalawa sa lahat... addict na din ako kay cofibean... hindi ko alam kung bakit ako nahuhook sa mga blog entries nya... kung wala kayong magawa sa buhay... basahin nyo na lng ang mga entries nya... but don't take it seriously naman... iba-iba ang mga tao... sa opinion ko masaya cyang basahin... kung yung iba ay naooffend sa mga pinagsasabi nya... ako naman ay hindi... just to give a gist of what's in there... it's all about the coniotic experience of a self-proclaimed "glitterati", whatever that means! hahahaha.... basta check out na lang his link... kung hindi gumana andun sa gilid ng blogsite na ito... dun sa fun links section!
3. ikatlo sa lahat... mga bagong tv shows... hahahaha... jologs no? basta nag-eenjoy sa panonood ng tv kahit gabi na din akong umuuwi... kahit mabot pa ako ng hanggang 12 midnight sa panonood ng tv ok lang sa akin.... hahahahaha... kahit ibig sabihin pa nun ay limang oras lang ako kung matulog sa gabi... hahahaha
4. ikaapat sa lahat... master eskinol facial wash... sikreto ng mga guwapo... hahahahaha... after that long biyahe from work, I think I deserve naman to pamper my face... hahahaha, ang arte no? kasi feeling ko nasagap ko na lahat ng usok and dirt sa metro kapag nagbibiyahe ako... so the only thing I can do is to clean my face with a facial scrub para clean na ulit ung face... I hate it nga ngaun kasi I got pimples... hahahaha... naubos na kasi ung master eskinol facial scrub ko... and the only thing I can have to wash my face is just plain soap and water! ang kati kati minsan sa mukha kapag soap lang... hahahaha... ang arte talaga!
5. at ang ikalima sa lahat... ang aking work... addict na din ako dito sa work ko... I guess dahil sa libreng internet na talaga namang super unlimited (except for those days lang na talagang down ang system which is once in a blue moon naman kung mangyari)! dahil sa libre nga ang internet madami akong natutunan sa pagsesearch na kung anu-anong mga bagay... makabuluhan man o hindi.... hahahaha
nga pala... I have included some cool links sa side section ng blogsite na ito... check nyo na lang ulit... ciao!
Google Modules